Matapang na muling tumindig si Father Flaviano “Flavie” Villanueva sa gitna ng patuloy na batikos laban sa kanya, matapos niyang manawagan na magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte. Ayon sa pari, hindi siya magpapatinag dahil malinaw sa kanya ang kanyang misyon ipaglaban ang katotohanan, hustisya, at kapakanan ng bayan, gaano man karaming kritiko ang humarang sa landas niya.
“Ipagpapatuloy ko ang misyon ko, kahit gaano karaming bumatikos. Hindi ako nag-iisa ang Panginoon ang lakas ko. At sa harap ng bayan, mananatili akong tapat na manawagan para sa katotohanan at pananagutan.” - Father Flavie Villanueva
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Father Villanueva na ramdam niya ang gabay ng Panginoon sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Naniniwala siyang ang kanyang advokasiya ay hindi para sa sarili, kundi para sa mga Pilipinong naghahangad ng lideratong tapat at responsableng nagsisilbi.
Hindi raw siya natitinag sa mga insults, panghahamak, at pagbabanta, dahil mas malakas ang tawag ng kanyang konsensya at pananampalataya.
Diretso ang mensahe ni Father Villanueva na hindi siya uurong, hindi siya tatahimik, at hindi siya matitinag. Sa likod niya ang Panginoon, at sa harap niya ang tinig ng mamamayang naghahangad ng tapat at makataong pamamahala.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento