Advertisement

Responsive Advertisement

“HANDA AKONG MANAGOT KUNG MAY PAGKAKAMALI AKONG NAGAWA” PANGULONG MARCOS NANGAKONG BABAWI SA NATITIRANG 3 TAON SA TERMINO

Martes, Disyembre 16, 2025

 



Matapang na nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa siyang panagutan ang anumang pagkukulang o pagkakamaling maisisi sa kanya bilang Pangulo ng bansa. Sa harap ng tumitinding batikos at hamon sa kanyang liderato, iginiit ni Marcos na hindi siya natatakot sa pananagutan bagkus, nakatuon siya sa pag-ayos at pagtupad sa kanyang mga pangako sa bayan.


“Ako ang Pangulo, kaya kung may pagkakamaling nagawa, ako ang unang mananagot. Pero hindi pa tapos ang laban may tatlong taon pa ako para ayusin ang lahat ng dapat ayusin para sa bayan.” -President Ferdinand Marcos Jr.


Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na hindi siya perpektong lider, ngunit hindi siya tatakbo o iiwas sa responsibilidad. Ayon sa kanya, bahagi ng totoong serbisyo ang pagharap sa kritisismo at pag-ako ng pagkukulang.


Ayon kay Pangulong Marcos, malinaw sa kanya na marami pang kailangang gawin para maibalik ang tiwala ng publiko at maiahon ang bansa mula sa iba't ibang suliranin. Hindi na bago sa Pangulo ang mabigat na batikos, lalo na sa panahon ng krisis at kontrobersiya. Pero para kay Marcos, ang pinakamahalagang sagot ay hindi salita kundi resulta.


Maliwanag ang paninindigan ni Pangulong Marcos hindi siya iiwas sa pananagutan at hindi siya tatakas sa responsibilidad. Sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino, ipinapangako niyang babawi, mag-aayos, at magpapatupad ng mga reporma para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento