Advertisement

Responsive Advertisement

"MAUSOLEO PARA SA ADIK, HINDI BA KAYO NAHIHIYA SA GINAGAWA NINYO?" ATTY. VIC RODRIGUEZ UMALMA SA PAGBUO NG EJK MUSEUM

Martes, Disyembre 16, 2025

 



Naglabas ng matinding pagkadismaya si Atty. Vic Rodriguez matapos inanunsyo ang pagtatayo ng EJK (extrajudicial killings) Museum na isinusulong ni Rep. Chel Diokno. Ayon kay Rodriguez, hindi niya matatanggap na nagkakaroon ng museo para sa mga biktima ng drug war, habang ang mga SAF 44 na nagbuwis ng buhay ay tila nalimutan na lamang ng pamahalaan.


“Hindi ko matanggap na may museo para sa mga sangkot sa droga habang ang SAF 44, na nag-alay ng buhay para sa bayan, ay nalilimutan. Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa ninyo? Unahin natin ang tunay na bayani bago gamitin ang kasaysayan para sa pulitika.” - Atty. Vic Rodriguez


Diretsong sinabi ni Atty. Vic na nakakainsulto sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa Mamasapano incident na ang pagkilala sa kanilang sakripisyo ay tila napag-iwanan. Sa halip, mas nabibigyang pansin umano ang mga nasawi sa drug war marami sa kanila, ayon kay Rodriguez, ay sangkot sa ilegal na gawain.


Para kay Atty. Vic, hindi mali ang pag-alala sa mga nasawi, ngunit mali ang pagpapakita na ang kriminal ay bayani, habang ang tunay na bayani ay nalilimutan.


Sa harap ng kontrobersiya, itinuro ni Atty. Vic Rodriguez ang malaking tanong: Ano ang tunay na pinahahalagahan ng lipunan? Kung ang mga tunay na naglingkod at nagbuwis ng buhay ay hindi nakatatanggap ng kaukulang pagkilala, may mali sa direksyon ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento