Matapang at diretsong inihayag ni Sen. Loren Legarda ang kanyang labis na pagkadismaya sa dami ng budget insertions na sumulpot sa Bicameral Conference Committee deliberations para sa 2026 National Budget.
“Mr. President, I am sorry, but I must express my disappointment. Hindi ganito noon. Hindi ganito kagarapal ang insertions. Kailangan may disiplina sa inyong administrasyon.” - Sen. Loren Legarda
Ayon sa beteranong senadora, hindi niya inaasahan na hahantong sa ganitong “garapal” na kalagayan ang proseso ng pag-apruba ng pambansang pondo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa gitna ng pagtalakay, direkta niyang sinabi na malinaw ang pagkakaiba ng mga nagdaang budget hearings kumpara sa ngayon. Ayon kay Legarda, noon ay may order, may transparency, at may respeto sa proseso hindi basta-basta ang dami ng biglang sulpot na insertions.
Giit niya, ang mga hindi malinaw na pagbabago sa budget ay nagbubukas ng pintuan para sa abuso, korapsyon, at kawalan ng tiwala ng publiko.
Ang matapang na pahayag ni Sen. Loren Legarda ay nagpapakita ng lumalaking pagkadismaya sa loob mismo ng Senado hinggil sa proseso ng 2026 budget.
Habang lumalalim ang usapin tungkol sa insertions, lalong nagiging malinaw na kailangan ng administrasyon na patibayin ang integridad, disiplina, at transparency sa paggastos ng pondo ng bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento