Muling nagpasabog ng kontrobersyal na pahayag si Cavite Rep. Kiko Barzaga matapos niyang kwestyunin ang kredibilidad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa kongresista, wala umanong aasahang totoong resulta ang taumbayan dahil mismong ang nagtatag at kumokontrol sa komisyon ay bahagi rin ng problemang iniimbestigahan.
“Yung mismong nag-iimbestiga sa korapsyon, sila rin ang sangkot sa korapsyon. Walang kalalabasan ang ICI kung kontrolado pa rin ito ng Pangulo.” -Rep. Kiko Barzaga
Diretsahang sinabi ni Barzaga na hindi siya naniniwalang magiging patas ang magiging resulta ng ICI. Giit niya, kung ang Pangulo ang may kontrol sa komisyon, mahirap umanong asahan na maglalabas ito ng findings na tatama sa mga tao o opisyal na malapit sa MalacaƱang.
Pinatutsadahan pa ng kongresista ang administrasyon, sinasabing kabaligtaran ng layunin ang nangyayari. Kung sino raw ang dapat managot sa anomalya, iyon pa ang walang takot na nagtatago sa likod ng komisyong sila mismo ang nagtatag.
Ang pahayag ni Rep. Kiko Barzaga ay nagdadagdag ng bigat at tensyon sa usapin ng anti-corruption drive ng administrasyon.
Kung totoo ang kanyang sinasabi, nakalagay sa alanganin ang integridad at kredibilidad ng ICI, isang institusyong dapat sana’y maglilinis ng katiwalian.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento