Muling nagsalita si Atty. Claire Castro upang ipaalala sa publiko na hindi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nagsimula ang mga anomalya at problemang sumasabog ngayon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno. Ayon sa kanya, minana lamang ng kasalukuyang administrasyon ang malalim at malawak na korapsyon mula sa nakaraang pamumuno, partikular sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Minana lang ng Marcos administration ang malalaking anomalya ng nakaraang administrasyon. Dapat nga magpasalamat ang taumbayan dahil kahit hirap linisin ang perwisyong iniwan, nananatiling positibo ang ekonomiya.” - Atty. Claire Castro
Giit ni Castro, maling ibunton ang sisi sa Pangulo para sa mga anomalya sa flood control projects, ghost projects, at iba pang kontrobersiyang lumulutang ngayon. Ayon sa kanya, ang mga ito ay nagsimula at lumalim sa panahon ng Duterte administration, at ngayon ay ang Marcos administration ang nagbabayad ng problema ng nakaraan.
Sa kabila ng bigat ng mga iniwang iskandalo, iginiit ni Castro na nananatiling matatag ang ekonomiya, at ito raw ay dahil sa pagpupursigi ng administrasyon na linisin at ayusin ang sistema.
Sa gitna ng ingay at batuhan ng paratang, malinaw ang mensahe ni Atty. Claire Castro hindi si Pangulong Marcos ang may kasalanan sa lumalaking kalat pero siya ngayon ang nagwawalis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento