Isang nakakagulat at nakalulungkot na balita ang yumanig sa publiko matapos matagpuang palutang-lutang sa Bued River ang katawan ng dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, sa Tuba, Benguet.
Ayon sa inisyal na ulat ng PNP at Benguet Police Provincial Office, posibleng nahulog si Cabral sa bangin sa kahabaan ng Kennon Road bandang alas-tres ng hapon noong Disyembre 18.
""Batay sa nakalap naming impormasyon, matagal nang nakararanas ng depresyon si dating Undersecretary Catalina Cabral mula nang magsimula ang imbestigasyon kaugnay ng flood control project. Sa ngayon, wala kaming nakikitang palatandaan ng foul play." -PNP
Batay sa impormasyon mula sa mga pulis, matagal nang nakararanas ng matinding depresyon si Cabral mula nang simulan ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na flood control project scandal.
Bandang 8:00 PM, natunton ang kanyang katawan malapit sa gilid ng Bued River, ilang oras matapos siyang huling makita. Kinumpirma rin ng PNP na si Cabral ay nasa gitna ng matinding pressure dahil siya ay isa sa mga opisyal ng DPWH na idinadawit sa anomalya ng flood control projects.
Ang pagpanaw ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral ay nag-iwan ng malalim na lungkot at tanong sa publiko. Ayon sa PNP, walang foul play at posibleng dulot ito ng matinding depresyon na kanyang dinanas mula nang lumabas ang mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento