Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG IMPORTANTE YAN, DAPAT NAKALISTA NA YAN SA UNA PA LANG" SEN. LOREN LEGARDA PINAGSABIHAN SI DPWH SEC. DIZON SA P45 BILLION BUDGET INSERTIONS

Huwebes, Disyembre 18, 2025

 



Diretsahang umapela si Senator Loren Legarda sa Marcos administration matapos niyang makita ang sunod-sunod at kaliwa’t kanang budget insertions sa deliberasyon ng 2026 National Budget sa kanyang gabinete lalo na si DPWH Sec. Vince Dizon.


“Meron po tayong proseso sa budget hearing. Igalang po natin ang proseso. Kung importante yan, dapat nakalista na iyan sa una pa lang. Huwag nating abusuhin ang sistema disiplinahin niyo ang mga tao sa ilalim ng inyong administrasyon.” – Sen. Loren Legarda


Ayon sa senadora, malinaw ang patakaran at proseso ng budget hearing, ngunit tila hindi ito nasusunod dahil sa biglaang pagsulpot ng mga alokasyon na hindi nakalista o naipakita noong una pa lamang.


Binigyang-diin ni Legarda na ang budget hearing ay hindi dapat nagiging venue ng biglaang “dagdag dito, dagdag doon” na wala sa orihinal na plano. Ayon sa senadora, hindi nakakatulong sa transparency at integridad ng pamahalaan ang ganitong estilo. Tila aniya inuulit ang mga pagkakamaling nagdala ng kontrobersiya sa flood control issue at iba pang anomalya.


Ang panawagan ni Sen. Loren Legarda ay malinaw na sagot sa lumalalang pagkadismaya sa transparency ng budget process. Ang paulit-ulit na insertions ay hindi lamang administratibong aberya, isa itong babala na maaaring may pang-aabuso o kawalan ng direksyon sa loob ng pamahalaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento