Advertisement

Responsive Advertisement

"AKALA KO BA NASOLUSYUNAN NA NG PANGULO? BAKIT KALIWA'T KANAN PARIN ANG MGA INSERTIONS? SEN. IMEE MARCOS NAPIKON SA DAMI NG INSERTIONS SA 2026 BUDGET

Huwebes, Disyembre 18, 2025

 



Hindi na napigilan ni Senator Imee Marcos ang kanyang pagkadismaya at inis habang tinatalakay ang mga budget insertions sa 2026 National Budget.


Ayon sa senadora, malinaw niyang naaalala ang pahayag ng administrasyon na “wala nang insertions”, kaya’t ikinagulat at ikinainis niya na bumuhos pa rin ang napakaraming dagdag na alokasyon na hindi malinaw ang pinanggalingan at hindi rin transparent ang proseso.


“Akala ko ba pinagbawal na ang insertions? Bakit ganito pa rin karami sa 2026 budget? Nakakahiya naman kailan tayo magkakaroon ng disiplina?” - Sen. Imee Marcos


Dagdag niya, kung may sinseridad ang administrasyon na ayusin at linisin ang budget process, dapat sana tapos na ang ganitong klase ng ‘negosyo sa likod ng budget.’ Giit ng senadora, hindi niya matatanggap na patuloy itong lumalala habang taumbayan ang magdurusa at iilang tao lang ang makikinabang.


Ang pagputok ng inis ni Sen. Imee Marcos ay malinaw na refleksyon ng lumalalim na problema sa transparency at budget discipline ng pamahalaan. Sa harap ng paulit-ulit na insertions, hindi na sapat ang pangakong reporma; kailangan ng matapang at konkretong aksyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento