Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA KAMING NAKIKITANG FOUL PLAY AT WALANG IBANG TAONG SANGKOT" PNP NANINIWALA SUICIDE ANG SANHI NG PAGKAMATAY NI EX-DPWH USEC. CATALINA CABRAL

Biyernes, Disyembre 19, 2025

 



Matapos ang initial investigation, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na suicide ang itinuturing na pangunahing sanhi sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na natagpuang patay malapit sa Bued River sa Benguet matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road.


“Batay sa initial findings, lumalabas na suicide ang pinakamatibay na anggulo. Matagal nang depressed si dating Usec. Cabral at may history ng alcohol drinking problem. Wala kaming nakikitang foul play sa ngayon at kumpiyansa kaming walang ibang taong sangkot. Ngunit nagpapatuloy pa rin ang masusing imbestigasyon upang matiyak ang lahat ng detalye.” -PNP


Ayon sa PNP, malinaw ang direksiyon ng imbestigasyon na wala silang nakikitang foul play, at lahat ng nakalap na impormasyon ay patungo sa personal circumstances ng opisyal bago ang insidente.


Ilang source ang nagpatunay na bago pa man magsimula ang imbestigasyon, nakararanas na raw si Cabral ng matinding emotional distress. Lalo raw itong lumala nang sumiklab ang kontrobersya. Dagdag ng mga nakalap na testimonya, may matagal nang struggle sa pag-inom ng alak si Cabral, isang factor na maaaring nakaapekto sa kanyang mental clarity bago ang insidente.


Sa ngayon, malinaw sa PNP na personal struggle ang pangunahing dahilan sa trahedyang sinapit ni dating Usec. Cabral. Gayunman, nananatiling bukas ang imbestigasyon kung may lumabas pang bagong ebidensiya. Ang pangyayaring ito ay muling nagpapaalala ng bigat ng mental health sa gitna ng matitinding kontrobersya, presyon, at batikos sa mundo ng pulitika at serbisyo publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento