Hindi napigilang maiyak ni Sarah Discaya, ang kontrobersyal na contractor na sangkot sa flood control anomaly, nang dakpin siya ng mga operatiba ng NBI. Habang ina-escort palabas ng sasakyan, kitang-kita ang bigat ng emosyon ni Discaya galit, pangamba, at pagkadismaya.
“Happy? Masaya na po ba kayo sa selective justice? Nag tell-all na kami, binigay namin lahat ng pangalan ng sangkot pero bakit kami lang ang kinukulong?” - Sarah Discaya
Sa harap ng media, nagbigay siya ng matinding mensahe laban sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., na tinawag niyang nagpa-praktis ng “selective justice.” Ayon sa kanya, hindi patas ang imbestigasyon dahil sila lang umano ang pinupuntirya, samantalang mas malalaking pangalan ang hindi man lang nakakasuhan.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Discaya na nagsumite na sila ng tell-all statements, pati ang listahan ng mga opisyal na tunay umanong nasa likod ng anomalya. Ngunit sa kabila nito, sila pa rin ang nauunang ipakulong.
Ayon sa mga opisyal ng NBI, si Discaya ay umiiyak habang inaaresto. Hindi raw siya ganoon kakontra sa pagdakip, ngunit hindi nito kinaya ang bigat ng sitwasyon lalo na’t idiniin niya na hindi siya ang utak ng anomalya.
Ang pag-aresto kay Sarah Discaya ay nagbigay ng bagong chapter sa kontrobersyal na flood control scandal pero hindi nito tinapos ang tanong ng publiko. Sa kanyang emosyonal na pahayag, iginiit niya na hindi pantay ang hustisya at tila may pinipiling pananagutin ang gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento