Nag-aalab ang publiko sa mga tanong at hinala matapos mabalitang posibleng suicide umano ang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na natagpuang walang buhay matapos mahulog sa bangin sa Kennon Road.
“Paano magiging suicide? 2018 pa lang sinabi na ni Usec. Cabral na takot siya sa heights. Hindi kami maniniwala na bigla na lang siyang tatalon. Dapat imbestigahan kung may kamay ba ang mga nasa taas lalo na’t marami siyang alam sa flood control scandal.” - Pahayag ng Concerned Citizens Group
Pero hindi kumbinsido ang taumbayan at malinaw kung bakit na may lumang interview noong 2018 kung saan mismong si Usec. Cabral ang nagsabi na takot siya sa heights.
Ito ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang naniniwalang hindi kapani-paniwala ang bersyon ng awtoridad at posibleng may mas malalim na dahilan ang kanyang pagpanaw. Marami ang nagsasabing hindi tugma ang istorya, lalo na’t isa si Cabral sa mga key witness sa imbestigasyon ng flood control scandal na sumabog ngayon sa ilalim ng Marcos administration.
Habang sinasabi ng awtoridad na suicide ang pinakamalapit na dahilan, hindi kumbinsido ang taumbayan at may malinaw na batayan ang kanilang pagdududa.
Sa isang sensitibong imbestigasyon tulad ng flood control scandal, ang pagkamatay ng isang key witness tulad ni Cabral ay hindi maaaring basta palampasin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento