Lalo pang kumapal ang misteryo sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral matapos ibinunyag ni Ombudsman Crispin Remulla na parehong nawawala ang cellphone at computer ng opisyal dalawang bagay na maaaring naglalaman ng sensitibong ebidensya tungkol sa flood control scandal.
“Hindi ako naniniwalang simpleng aksidente ito. Nawawala ang cellphone at computer ng isang key witness at iyon ay hindi pangkaraniwan. May kailangan tayong hanapin, at may kailangan tayong panagutin.” - Ombudsman Crispin Remulla
Ayon kay Remulla, hindi maikakaila na nakababahala ang sitwasyon ay paano mawawala ang personal at opisyal na gamit ng isang high-ranking official sa gitna ng mainit na imbestigasyon.
Sa kanyang pahayag, hindi naitago ni Ombudsman Remulla ang labis na pagkabahala. Agad niyang iniutos na hanapin ang mga kagamitan ni Cabral ngunit wala sa opisina, wala sa bahay, at wala rin sa katawan ng nasawing opisyal.
Dahil dito, isa na ngayon sa sinusuri ng Ombudsman ang angulong posibleng may taong nasa likod ng pagkamatay ni Cabral lalo na’t isa siya sa inaasahang key witness sa malawakang imbestigasyon sa flood control anomaly.
Sa pagkawala ng cellphone at computer ni Usec. Cabral, hindi lamang imbestigasyon ang nabulabog kundi ang tiwala ng publiko sa proseso ng paghahanap ng katotohanan. Para kay Ombudsman Remulla, hindi ito basta-bastang insidente.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento