Naglabas ng mabigat na pahayag si Congressman Kiko Barzaga kaugnay ng biglaang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na natagpuang patay matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road, Benguet. Para kay Barzaga, hindi ito basta simpleng aksidente kundi posibleng clearing operation umano ng administrasyon upang patahimikin ang isang opisyal na “maraming alam” tungkol sa flood control anomaly.
“Naniniwala akong hindi simpleng aksidente ang nangyari kay Usec. Catalina Cabral. Marami siyang alam at ayaw niyang magpa-kontrol sa taas. Kung tutuusin, halatang clearing operation ito para patahimikin siya bago pa siya makapagsiwalat. Hindi tayo dapat magbulag-bulagan.” -Cong. Kiko Barzaga
Ayon sa kanya, hindi daw makakaila na si Cabral ay isa sa mga opisyal na may pinaka-malalim na hawak na impormasyon tungkol sa mga questionable flood control projects at mga posibleng sangkot na mataas na opisyal.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Barzaga na si Cabral ay kilala sa DPWH bilang isang opisyal na hindi madaling utusan at hindi basta-basta pumipirma sa mga dokumentong kaduda-duda. Para kay Barzaga, dahil tumatanggi umano si Cabral na “kontrolin,” posibleng siya ang naging target upang hindi na makapagsalita.
Malinaw ang sentimyento ni Cong. Kiko Barzaga para sa kanya, hindi dapat basta tanggapin na aksidente ang pagkamatay ni Usec. Cabral, lalo na kung ito ang magbubukas ng mas malalim na katotohanan sa flood control anomaly.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento