Matapang na pinuna ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang pag-apruba ng ₱243 bilyong Unprogrammed Appropriations sa 2026 national budget sa gitna ng Bicameral Conference Committee meeting. Ayon kay Diokno, malinaw na kulang sa transparency ang naturang pondo at paulit-ulit nang ginagamit sa mga kwestiyonableng proyekto gaya ng flood control, na ilang beses nang nabaon sa alegasyon ng anomalya.
“Mr. President, dapat po i-zero ito. Old habits truly die hard. Ang unprogrammed funds ay pinto sa korapsyon. Kung talagang gusto nating magbago ang sistema, magsimula tayo sa pag-alis ng pondong hindi transparent at paulit-ulit nang ginagamit sa mga anomalya.” — Rep. Chel Diokno
Giit niya, hindi dapat ipinapasok sa budget deliberations ang ganitong kalaking pondo na walang malinaw na listahan, walang detalyadong breakdown, at walang sapat na paliwanag mula sa mga ahensya.
Sa kanyang pagtutol, sinabi ni Diokno na ang ₱243B unprogrammed funds ay dinaan lang sa mabilisang pag-apruba, at ito ay malinaw na “pinto sa korapsyon” kung hindi maipapakitang malinaw ang pagkakagastusan nito.
Hinimok niya ang administrasyon at ang Kongreso na i-zero out ang pondo para maiwasan ang pag-ulit ng mga anomalya sa nakaraan, kabilang na ang kontrobersyal na flood control scandal.
Nanindigan si Rep. Chel Diokno na hindi dapat pinapalusot ang bilyon-bilyong pondong walang malinaw na direksyon at walang transparency. Para sa kanya, kung nais ng administrasyon na magtaguyod ng tunay na pagbabago, dapat simulan ito sa pagputol ng mga lumang gawi na nagbubukas ng pinto para sa korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento