Advertisement

Responsive Advertisement

“NAKITA NAPO NATIN NA SERYOSO ANG GOBYERNO SA PAGLINIS NG KATIWALIAN” OMBUDSMAN REMULLA PINURI ANG MARCOS ADMINISTRATION SA BAGO NITONG ACHIEVEMENT

Biyernes, Disyembre 19, 2025

 



Malinaw na mensahe ang ipinadala ni Ombudsman Crispin Remulla matapos nitong purihin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mabilis at matagumpay na pagkakadakip kay Sarah Discaya, isa sa mga personalidad na sangkot sa kontrobersyal na flood control corruption scandal.

“Nakikita na po natin na talagang seryoso ang gobyerno na linisin ang katiwalian. Ang pagdakip kay Sarah Discaya ay isang napakagandang simula. Hindi kami titigil hanggang sa makamit ang buong hustisya at mapanagot ang lahat ng may sala.” - Ombudsman  Remulla

Ayon kay Remulla, ang pagdakip kay Discaya ay patunay na seryoso ang administrasyon sa paglilinis ng gobyerno at hindi lamang ito puro salita. Isa raw itong “malaking panimulang tagumpay” sa mas malawak na laban kontra kurapsyon.

Sa kanyang pahayag, mariing sinabi ng Ombudsman na ang pagkakahuli kay Discaya ay hindi lamang simpleng operasyon kundi simbolo ng political will ng Marcos administration.

Giit niya, makikita na ang mga aksyon ng gobyerno ay hindi pabor-pabor, at walang sinuman opisyal, contractor, o may impluwensya ang ligtas sa pananagutan.

Ang pagkakahuli kay Sarah Discaya ay nagbukas ng isang bagong yugto sa kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon. Sa papuring ibinigay ni Ombudsman Remulla, malinaw ang mensahe na seryosong laban ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento