Masiglang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko ang pagkakadampot at pagkakapasok sa kustodiya ng NBI ni Sarah Discaya, ang kontrobersyal na kontratistang sangkot sa malversation of public funds kaugnay ng flood control scandal.
“Masaya akong i-report sa taumbayan: nasa NBI na si Sarah Discaya. May resulta na ang ating imbestigasyon. Isa lang ang ibig sabihin nito tumatakbo ang hustisya at papunta na tayo sa Bagong Pilipinas. Hindi tayo titigil hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng sangkot sa katiwalian.” - Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, malinaw na patunay ang mabilis na aksyon ng mga awtoridad na umiikot na ang hustisya, at na ang kanilang isinasagawang imbestigasyon ay may malinaw na resulta. Giit niya, ang pangyayaring ito ay simbolo ng direksyon ng bansa papunta na tayo sa isang Bagong Pilipinas na may pananagutan at walang kinikilingan.
Sa kanyang ulat sa publiko, halatang masaya at magaan ang tono ni Pangulong Marcos. Hindi umano niya maitago ang kanyang tuwa dahil nakikita na ng taumbayan ang konkretong aksyon, at hindi lamang puro salita. Dagdag pa niya, ang pagdating ng mga ganitong resulta ay nagpapalakas ng loob ng publiko na seryoso ang gobyerno sa paglilinis ng katiwalian.
Ang pagkakapasok sa kustodiya ni Sarah Discaya ay isa sa pinakamahahalagang hakbang sa paglilinis ng malakihang anomalya sa flood control projects. Sa masiglang tono ni Pangulong Marcos, malinaw ang mensahe: may direksyon, may resulta, at may laban laban sa korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento