Aminado ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isang malaking dagok sa kanilang imbestigasyon ang biglaang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na matagal nang itinuturing na key witness sa kontrobersyal na flood control anomaly.
“Mabigat para sa amin ang biglaang pagpanaw ni dating Undersecretary Cabral. Isa siya sa pinakamahalagang saksi na makakatulong sana para mapabilis ang imbestigasyon. Sa kanyang pagkawala, mas tatagal ang proseso at tumataas ang panganib na makatakas ang ilang sangkot. - ICI
Ayon sa ICI, malaking bahagi ng timeline, dokumento, at detalye ng proyekto ang hawak sana ni Cabral. Dahil sa kanyang pagpanaw, posibleng bumagal ang imbestigasyon at mas nakakaalarma, may posibilidad umanong makatakas ang ilang sangkot habang nire-reconstruct muli ang mga impormasyon na dapat sana ay makukuha nila kay Cabral.
Ayon sa ICI, kailangan nilang magdoble kayod dahil maraming impormasyon ang kailangang hanapin mula sa ibang sources bagay na sana ay mas mapapabilis kung buhay pa si Cabral. May ilang personalidad umano na iniimbestigahan ngayon na maaaring magbago ng tirahan, magtago, o umalis ng bansa habang wala pang kumpletong findings.
Malaking kawalan sa ICI ang pagkawala ni Undersecretary Catalina Cabral. Sa kanyang pagkamatay, hindi lamang bumagal ang imbestigasyon — mas lumawak din ang panganib na hindi kaagad mahuli ang mga nasa likod ng flood control anomaly.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento