Advertisement

Responsive Advertisement

"MAS LULUBOG KAYO SA UTANG SA 5-6" PANGULONG MARCOS PINAYUHAN ANG PUBLIKO MAS LIGTAS AT MAS MURA ANG SSS LOAN KAYSA MANGUTANG SA BOMBAY

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Nagbigay ng malinaw na paalala si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko kaugnay ng pag-avail ng SSS Calamity Loan. Ayon sa Pangulo, mas mainam na dumulog sa SSS na may 7% lamang na interes, kaysa malubog sa 5-6 loans ng mga “Bombay” na kilalang may napakataas na patong at madalas magdulot ng matinding pagkakautang sa mga Pilipino.


“Maganda po ito kasi imbes na pupunta po kayo sa 5-6 at mapasubo sa malalim na utang, mayroon na kayong magagamit. Ang babayaran lang na interes ay seven percent lamang. Sana ito’y makatulong po sa inyong lahat.” -President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 


Sa kanyang mensahe, diin ni Marcos na ang SSS loan ay mas ligtas, mas mura, at mas makatao kumpara sa 5-6 scheme na matagal nang problema ng maraming Pilipino.


Muling ipinaalala ng Pangulo na ang SSS Calamity Loan ay inilaan upang tulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng sakuna hindi para lalong malubog sa utang. Sa gitna ng patuloy na pagbangon ng mga komunidad, ang babala ni President Marcos ay malinaw na pumili ng loan na makakatulong, hindi yung magpapalalim ng problema.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento