Advertisement

Responsive Advertisement

“DUTERTE COURT YAN KAYA NATURAL KAKAMPIHAN SI VP SARA” TITO BOY KINUWESTIYON ANG SUPREME COURT SA PAGKILING KAY VP SARA

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Naglabas ng diretsahang komento si TV host at personalidad na Tito Boy Abunda hinggil sa umano’y pagkiling ng Supreme Court pabor kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Tito Boy, hindi raw nakapagtataka kung tila protektado ng SC ang Bise Presidente, dahil 11 sa mga kasalukuyang mahistrado ay itinalaga mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“Meron mga usapin na lumalabas na syempre kakampihan si VP Sara Duterte ng Korte Suprema because that is a Duterte court. Mga appointees ni former Rodrigo Duterte ang 11 Supreme Court justices sa panahon niya.” -Tito Boy Abunda


Ayon kay Tito Boy, kung gusto talagang makuha muli ang kumpiyansa ng taumbayan, dapat siguruhing walang bahid ng politikal na impluwensya ang mga desisyong hinahawakan ng Korte Suprema lalo na kapag ang sangkot ay mataas na opisyal ng gobyerno.


Giit niya, hindi na dapat magtaka kung bakit tila lumilitaw na may “pagkiling” ang ilang desisyon, dahil malinaw na karamihan sa mga mahistrado ay Duterte appointees.


Ang pahayag ni Tito Boy Abunda ay nagbukas ng panibagong diskurso tungkol sa integridad at impartiality ng Supreme Court sa harap ng mga kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento