Naglabas ng matapang at prangkang pahayag ang Malacañang kaugnay ng pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, matapos ihayag na isa sa mga tinitingnang angulo ay ang posibleng pagkakasangkot ng kampo ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Malacañang, hindi sila magbubulag-bulagan at lahat ng anggulo ay sisilipin, gaano man ito kasensitibo.
“Pinag-aaralan namin ang lahat ng angulo. Walang exempted, walang ligtas kahit VP ka man” -Atty. Claire Castro
Simula nang mabalita ang biglaang pagkamatay ni Cabral na una umanong naitala bilang fall from a cliff sunod-sunod ang katanungan mula sa publiko. Dahil dito, hindi maikakaila na ang kanyang biglaang pagkasawi ay nag-iwan ng maraming tanong at ayon sa Malacañang, tungkulin nilang sagutin ang mga ito.
Ang pagpasok ng Malacañang sa mas malalim at mas kritikal na anggulo ng imbestigasyon ay nagpapakitang seryoso ang Palasyo sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Usec. Cabral. Habang lumalalim ang kaso, isang bagay ang malinaw na hindi patatahimikin ng publiko at ng administrasyon ang ganitong uri ng kontrobersya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento