Diretsahang itinanggi ni Ombudsman Crispin Remulla ang mga alegasyong siya ay kontrolado o “amo” niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos na ang kanyang mga aksyon ay pabor umano sa administrasyon, iginiit ni Remulla na ang tanging boss na kinikilala niya ay ang taumbayan, hindi ang sinumang nakaupo sa MalacaƱang.
“Hindi ako alipin ng Pangulo. Ang pinaglilingkuran ko ay ang taumbayan. At habang nandito ako, ang sigaw nila ang aking susundin hindi ang kagustuhan ng sinumang nasa kapangyarihan.” -Ombudsman Crispin Remulla
Sa mga nakaraang linggo, ilang kritiko ang nagsabing tila protektado ang ilang opisyal ng administrasyon sa mga isyu ng katiwalian. Ayon sa Ombudsman, ang kanyang mandatong ibinigay ng batas ay malinaw na mag-imbestiga, maghabla, at managot ang dapat managot kahit pa mataas ang posisyon nito.
Ang pahayag ni Ombudsman Remulla ay malinaw na deklarasyon ng kanyang independensya. Sa panahon kung kailan mataas ang tensyon sa politika at kaliwa’t kanan ang akusasyon ng korapsyon, ang ganitong paninindigan ay nagbibigay pag-asa na may mga opisyal pang inuuna ang katotohanan kaysa sa kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento