Advertisement

Responsive Advertisement

"SHE IS A VICTIM OF EJK ORCHESTRATED BY THE LAST ADMINISTRATION" FATHER FLAVIE VILLANEVA IGINIIT POSIBLENG PINATAHIMIK SI USEC. CABRAL NG MGA DUTERTE

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Naglabas ng mabigat at matapang na pahayag si Father Flaviano “Flavie” Villanueva hinggil sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, at hindi niya pinalampas ang pagkakataong singilin ang mga Duterte. Ayon sa kanya, ang nangyari kay Cabral ay hindi simpleng aksidente kundi posibleng extrajudicial killing (EJK) na nag-ugat pa umano sa kultura ng karahasan noong nakaraang administrasyon.


“Pati ba naman sa panahon ngayon, may EJK pa rin? Delikado talaga ang pamilya nila. I can say that Usec. Cabral is a victim of EJK orchestrated by the last administration.” -Father Flaviano “Flavie” Villanueva 


Matagal nang kritiko si Father Flavie ng war on drugs at mga patayan sa ilalim ng Duterte administration. Kaya’t sa kaso ni Usec. Cabral, mabilis niyang nakita ang pattern. Ayon sa pari, hindi dapat ipikit ang mata ng publiko dahil ang modus ng nakaraan ay tila buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. 


Para kay Father Flavie, hindi malayo ang posibilidad na may mas malalim pang dahilan sa biglaang pagpanaw ni Cabral, lalo na’t nadadawit ang ilang personalidad sa malalaking flood control anomalies. Sa gitna ng patuloy na pagputok ng mga isyu sa flood control anomalies at biglaang pagpanaw ni Usec. Cabral, naging mas matapang ang mga boses na humihingi ng katotohanan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento