Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KO KAILANGAN ANG RESPETO MO, ANG HINIHINGI KO AY ACCOUNTABILITY” SEN. RISA HONTIVEROS MULING BINUHAY ANG ISYU NG CONFIDENTIAL FUNDS NI VP SARA DUTERTE

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Nagpaulan ng matapang at diretsahang pahayag si Senator Risa Hontiveros matapos umariba ang bangayan nila ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng isyu sa confidential funds.


“Hindi ko kailangan ng respeto mo, VP Sara. Ang kailangan ko, at kailangan ng taumbayan, ay ang sagot kung para saan ang confidential funds na hinihingi ninyo. Maawa naman kayo sa bayan pera ito ng taong naghihirap.” -Senator Risa Hontiveros 


Isang linya na agad kumalat at nagpatibay sa kanyang posisyon laban sa umano’y kawalan ng malinaw na paliwanag ng Pangalawang Pangulo sa paggamit ng milyun-milyong pondong mahigpit at sensitibo ang paglabas.


Ayon kay Hontiveros, hindi personalan ang laban pera ng bayan ang usapan. Kaya’t hindi niya tinanggap ang isyu ng “disrespect,” dahil ang mas mahalaga ay malinaw ang paggamit ng pondo.


Bilang isang senador, obligasyon niyang protektahan ang pera ng taumbayan obligasyong hindi niya palalampasin kahit pa ang kaharap ay ang Pangalawang Pangulo.


Sa gitna ng magulong balitaktakan, malinaw ang ipinahahayag ni Sen. Risa Hontiveros na ang respeto ay hindi niya kailangan mula sa mga opisyal ng gobyerno. Ang kailangan ay katotohanan, transparency, at pananagutan sa paggamit ng pondo ng sambayanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento