Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG PO NATIN KALIMUTAN NA SIYA ANG DEPED SECRETARY NOON" ATTY. CLAIRE CASTRO KASANALAN NI VP SARA KUNG BAKIT 22 CLASSROOMS LANG NAIPAGAWA

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Muling umani ng matinding kritisismo si Vice President Sara Duterte matapos igiit ni Atty. Claire Castro na malaking pagkukulang ng dating DepEd Secretary ang napakababang bilang ng mga naipatayo o na-repair na classrooms.


“Si VP Sara pa ang DepEd Secretary noon, pero out of 1,700 classrooms ay 22 lang ang napagawa. Trabaho mo iyan, unahin ang mga eskwelahan at estudyante. Hindi mo puwedeng takasan ang responsibilidad na iyan.” -Atty. Claire Castro


Ayon kay Castro, sa target na 1,700 classrooms, 22 lamang ang natapos, isang nakagugulat na bilang para sa isang opisyal na may responsibilidad sa edukasyon ng bansa.


Giit ni Castro, malinaw na responsibilidad ni VP Sara bilang DepEd Secretary na siguraduhin ang sapat, ligtas, at maayos na pasilidad para sa milyon-milyong mag-aaral.


Ngunit sa halip na masigasig na pagtuunan ng pansin ang classroom shortage, lumabas sa datos na 22 classrooms lamang ang naipatayo kumpara sa nasa 1,700 na target, isang performance na aniya’y hindi matatanggap at hindi maipapasa sa “pagka-busy” o anumang dahilan.


Ang pahayag ni Atty. Claire Castro ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa pamumuno ni VP Sara Duterte sa DepEd. Kung totoo ang datos at nanatiling kulelat ang classroom construction sa kanyang panunungkulan, malinaw na malalim ang naging epekto nito sa edukasyon ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento