Matapang na dinepensahan ni dating Deputy Speaker Lito Atienza si Vice President Sara Duterte sa kontrobersiyang patuloy na ikinakabit sa paggamit nito ng confidential funds.
“Wala po kinalaman si VP Sara sa korapsyon. Ang kaso niya impeachment, dahil kinikwestyon ang paggamit niya ng confidential funds. Pero bakit si VP Sara lang ang pinupuntirya? Bakit hindi nila kinikwestyon ang confidential funds ng Presidente mas malaki yun, bilyon-bilyon, sampung beses pa sa kanya?” -Lito Atienza
Ayon kay Atienza, hindi tama na iugnay ang Bise Presidente sa korapsyon dahil ang usapin laban sa kanya ay impeachment, hindi pagnanakaw, at nakatuon lamang sa paggamit ng confidential funds, isang pondo rin namang ginagamit ng iba pang opisyal, lalo na ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Atienza na hindi patas ang pag-atake laban kay VP Sara, lalo na’t ang confidential funds ng Pangulo ay mas malaki, lampas pa sa sampung beses kumpara sa pondo ng Bise Presidente.
Kung ang batayan ng batikos ay sa laki ng halaga, tanong niya, bakit hindi pareho ang pagtingin ng publiko at ng ilang kritiko sa paggamit ng Pangulo ng confidential funds?
Sa gitna ng tumitinding political tensions, malinaw ang punto ni Lito Atienza na kung sisilipin ang paggamit ng confidential funds, dapat lahat ay patas na masuri.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento