Pinakakansela ng National Bureau of Investigation sa Philippine National Police ang mga lisensya ng baril na nakarehistro umano sa pangalan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, naghahanda ang ahensya ng legal position na isusumite sa PNP Firearms and Explosives Office upang bawiin ang gun privileges ng senador. May 118 licensed firearms umano si Dela Rosa, mula sidearms hanggang high-powered automatic rifles at shotguns, at lahat ay nakarehistro sa address sa Davao City.
Paliwanag ni Matibag, ang lisensya sa baril ay hindi karapatan kundi pribilehiyo lamang na ibinibigay ng gobyerno. Kung pribilehiyo ito, maaari rin itong bawiin kung may sapat na dahilan.
“The issuance of a license to possess firearms is a privilege,” paliwanag ni Matibag.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento