Mariing pinasinungalingan ni Senador Kiko Pangilinan ang alegasyon ni Senadora Imee Marcos tungkol sa umano’y planong Charter Change, Constituent Assembly o Con-Ass, at term extension.
Ayon kay Pangilinan, malinaw na walang ginawang pag-usad ang Senado tungkol sa Charter Change noong siya ang chairman ng Committee on Constitutional Amendments. Sa ulat ng GMA News, sinabi niyang sinuportahan niya ang mosyon na alisin sa Senate records ang video ni Marcos, dahil para sa kanya, ang disinformation at fake news ay walang lugar sa plenaryo.
Diretsahan ang pahayag ni Pangilinan: “The Senate did not entertain Charter Change under my watch as the chairman of the Committee on Constitutional Amendments.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento