Inihalal ng Senado sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada bilang bagong vice chairpersons ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, mas kilala bilang Blue Ribbon Committee.
Ang komiteng ito ay isa sa pinakamakapangyarihan sa Senado dahil ito ang nagsisiyasat ng umano’y katiwalian, maling paggamit ng kapangyarihan, at pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno. Pinamumunuan ngayon ni Senadora Pia Cayetano ang Blue Ribbon Committee, habang sina Marcoleta at Estrada ang itinalagang vice chairpersons.
“Bilang bahagi ng Blue Ribbon Committee, tungkulin naming imbestigahan ang flood control scandal nang patas, matapang, at walang pinoprotektahan. Ang pera ng bayan ang nakataya rito. Kung may opisyal, contractor, o sinumang personalidad na nakinabang sa anomalya, dapat silang panagutin.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento