Advertisement

Responsive Advertisement

“I MIGHT VOTE FOR HER” SEN. TITO SOTTO NILINAW WALA SIYANG KINALAMAN SA ANUMANG PLANO HADLANGAN SI VP SARA DUTERTE SA 2028

Martes, Mayo 26, 2026

 



Mariing itinanggi ni dating Senate President at Senate Minority Leader Tito Sotto III ang alegasyon na pabor siya o bahagi siya ng anumang plano para sa Charter Change, Con-Ass, term extension, o hindi pagtuloy ng 2028 elections.


Ang isyu ay nagsimula matapos maglabas si Senadora Imee Marcos ng video presentation sa Senado na nag-uugnay umano sa ilang senador sa planong baguhin ang Konstitusyon. 

Inakusahan ni Imee ang administrasyon ng pagtutulak ng Charter Change at posibleng pagpapalawig ng termino ng mga opisyal, bagay na mariing tinutulan ng ilang senador.


“Mali ang alegasyon na bahagi ako ng anumang plano para sa Cha-Cha, Con-Ass, o term extension. Wala akong kinalaman sa planong harangin si VP Sara Duterte sa 2028. Baka nga iboto ko pa siya. Kung may akusasyon, maglabas ng ebidensya; huwag puro intriga.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento