Advertisement

Responsive Advertisement

“ANG KAILANGAN NATIN AY CHARACTER CHANGE, HINDI CHARTER CHANGE.” SEN. TITO SOTTO NILINAW NA SIMPLENG BIRUAN LAMANG ANG DISKUSYON NILA SA CHARTER-CHANGE

Martes, Mayo 26, 2026

 



Mariing itinanggi ni dating Senate President at Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na siya ay pabor o bahagi ng anumang seryosong usapan tungkol sa Charter Change o Cha-Cha.


Ginawa ni Sotto ang paglilinaw matapos madawit ang kanyang pangalan sa mga alegasyon ni Senadora Imee Marcos tungkol sa umano’y planong Constituent Assembly o Con-Ass, term extension, at pagpapalawig ng termino ng mga opisyal. Sinabi ni Sotto na hindi nila kailanman napag-usapan ang Con-Ass at mali umano ang impormasyong nakarating kay Imee Marcos.


“Hindi ako pabor at hindi ako bahagi ng anumang seryosong usapan tungkol sa Charter Change. Kung may nabanggit man, biruan lang iyon. Ang kailangan ng bansa ngayon ay hindi Charter Change kundi character change, pagbabago sa ugali, prinsipyo, at pananagutan ng mga opisyal.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento