Ipinanawagan ni Senator Robin Padilla ang agarang konsiderasyon at awa para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands.
“Hinahayaan n’yo pong mag-isa ang isang 80 anyos na tao sa kulungan, malayo sa kanyang pamilya. Nakakatakot kapag ang Diyos na mismo ang gumanti sa mapagmataas at walang puso. Those are prayers stained with tears.” -Senator Robin Padilla
Matapos tanggihan ng ICC Appeals Chamber ang hiling ni Duterte para sa provisional release, umigting ang emosyonal na panawagan ni Padilla para sa dating lider na aniya’y “nahihirapan na mag-isa” at “malayo sa kanyang pamilya.”
Binatikos niya ang aniya’y “kawalan ng habag” ng mga nasa kapangyarihan sa ICC, na hinahayaan ang isang 80 taong gulang na makulong nang mag-isa sa malayong bansa, malayo sa kanyang pamilya, wala man lang konsiderasyon sa edad at kalagayan nito.
Giit ni Padilla, hindi dapat kalimutan ng sinuman, lalo na ng mga pumipigil sa release ni Duterte, na mayroong mas mataas na hukuman na hindi kayang takasan kahit ng pinakamakapangyarihan ang hukuman ng Diyos.
Sa gitna ng patuloy na pagtatalo tungkol sa pananagutan ni dating Pangulong Duterte sa ICC, iba ang tinututukan ngayon ni Senator Robin Padilla: ang humanitarian at moral na aspeto ng kaso. Para sa senador, hindi marapat na pabayaang mabulok sa kulungan ang isang matanda, lalo pa’t malayo ito sa sariling bansa at pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento