Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG ANO ANG HINIHINGI NG BAYAN, HANDA KO SILA PAGBIGYAN" SEN. RAFFY TULFO PASOK SA TOP CHOICE NA PWEDE KALABANIN SI VP SARA SA PAGKA-PRESIDENTE SA 2028

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Lumabas ang bagong WR Numero national survey, at malinaw ang mensahe ng publiko at gusto ng taumbayan na si Senator Raffy Tulfo ang maging susunod na pangulo pangalawa siya sa listahan ng top picks para sa 2028.


“Lubos akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay ng ating mga kababayan. Hindi ko alam kung para sa akin talaga ang pagkapangulo, pero kung ano ang hinihingi ng bayan, handa ko sila pagbigyan" -Senator Raffy Tulfo


Bagama’t nangunguna si Vice President Sara Duterte bilang unang choice ng mga Pilipino, hindi maikakaila na mabilis ang pag-angat ng popularidad ni Tulfo. Sa social issues, aksyon sa mga reklamo ng tao, at walang takot na paninindigan, nakita ng publiko na kaya niyang maging alternatibo sa pagkapangulo sa darating na halalan.


Gayunpaman, ang pagpasok ni Tulfo sa Top 2 ay hindi biro. Para sa marami, siya ang nakikita nilang “taong bayan candidate” hindi tradisyonal na politiko, hindi balot ng political dynasty, at may brand na tunay na serbisyo.


Ang resulta ng WR Numero survey ay hindi lamang numero ito ay malinaw na indikasyon ng pulso ng publiko. Nasa kamay ni VP Sara Duterte ang nangungunang pwesto, ngunit si Sen. Raffy Tulfo ay mabilis na humahabol, patunay na malaki ang pagnanais ng taumbayan para sa isang lider na hindi takot magsabi ng totoo at handang kumilos para sa ordinaryong Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento