Nag-ingay sa pulitika ang naging pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla matapos niyang ihayag na posible niyang hamunin si Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028 elections. Ayon kay Remulla, may sapat siyang karanasan, track record at suporta mula sa publiko para tumayo bilang karibal ng pangalawang pangulo.
"May panlaban ako, may suporta tayo, at napatunayan ko na kaya kong magbigay ng peace and order sa Luzon. Gusto ko rin gawin ‘yan para sa buong Pilipinas.
Sa 2028 malalaman natin kung sino talaga ang mahal ng taumbayan.” -DILG Secretary Jonvic Remulla
Naghatid ng bagong tensyon sa political landscape ang naging pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na handa siyang lumaban sa pagkapresidente sa 2028 kahit pa ang makakaharap niya ay si VP Sara Duterte, na consistent frontrunner sa mga survey.
Ipinagmalaki ng kalihim na ginampanan niya ang tungkulin para tiyakin ang kaayusan at seguridad sa Luzon, at nais niyang palawakin ang kanyang serbisyo sa buong bansa. Ayon sa kanya, ang susi sa isang maunlad na bansa ay kapayapaan. At kung nagawa niya sa rehiyon, kaya niya rin sa buong Pilipinas.
Ang pahayag ni Sec. Jonvic Remulla ay malinaw na senyales na umiinit na ang laban para sa 2028. Sa kabila ng lakas ni VP Sara sa mga survey, hindi nagpatinag ang kalihim at ipinakita niyang handang sumabak sa pinakamatas na posisyon sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento