Masayang inanunsyo ni Akbayan Partylist Rep. Percy Cendaña ang libreng sakay sa LRT at MRT para eksklusibo sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community, isang hakbang mula sa Marcos administration na nakikita niyang unang kongkretong pagkilala sa kanilang sektor.
“Magandang balita po sa lahat may libreng sakay para lamang sa LGBTQIA+ community, handog ng Marcos administration. Malaking bagay po ito dahil unti-unti nang narerekognize ang aming sektor. Sana’y masundan pa ito ng mga batas na magtatanggol sa karapatan ng LGBTQIA+ community.”
Ayon kay Cendaña, hindi lamang ito simpleng programa, kundi patunay na nagbabago ang ihip ng hangin pagdating sa pagtanggap ng LGBTQIA+ community sa mga national initiatives. Dagdag pa niya, sana ay magsilbi itong simula ng mas malawak at mas seryosong pagkilos para sa tunay na pagkakapantay-pantay.
Ayon kay Cendaña, isa itong “historical gesture” mula sa Marcos administration, isang indikasyon na unti-unting nagkakaroon ng opisyal na espasyo at pagkilala ang LGBTQIA+ sa pampublikong serbisyo ng gobyerno.
Ipinunto rin ni Cendaña na maraming taon nang ipinaglalaban ang anti-discrimination policies at SOGIE Equality Bill, ngunit ngayon lang nila naramdaman ang isang direktang aksyon mula sa pambansang pamahalaan.
Ang libreng sakay na handog para sa LGBTQIA+ community ay higit pa sa benepisyo, ito ay simbolo ng pagkilala at pag-angat ng estado ng isang matagal nang nag-aabang na sektor.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento