Advertisement

Responsive Advertisement

"PANAHON NA PARA OPISYAL NIYONG KILALANIN KAMI" REP. PERCI CENDAÑA NANAWAGAN SA KONGRESSO OPISYAL NA PAGKILALA SA LGBTQIA COMMUNITY

Lunes, Disyembre 22, 2025

 



Isang tuwirang panawagan ang muling inilabas ni Rep. Perci Cendaña sa Kongreso: kumilos na at pormal na kilalanin ang LGBTQIA+ community bilang opisyal at lehitimong bahagi ng lipunan.


"After so many years, dapat kumilos na ang Kongreso. Panahon na para kilalanin nila na official na bahagi ng lipunan ang LGBTQIA+ community. Hindi maaaring manatiling invisible kami sa batas habang nakikita naman kami ng buong bayan."


Ayon sa mambabatas, hindi na dapat ipagpaliban ang pagkilos, lalo na’t ilang dekada nang nakararanas ng diskriminasyon at kawalan ng legal na proteksyon ang komunidad.


Matindi ang punto ni Rep. Cendaña: “After so many years,” sabi niya, panahon na para ang Kongreso mismo ang magpakita na ang LGBTQIA+ ay hindi lamang umiiral kundi karapat-dapat sa pagkilala, respeto, at pantay na pagtrato.


Hindi na puwede, ani Cendaña, na “silent spectators” lamang ang Kongreso habang ang LGBTQIA+ ay patuloy na hindi nabibigyan ng proteksyong nakasaad sa Konstitusyon para sa lahat ng Pilipino.


Ang panawagan ni Rep. Perci Cendaña ay simple pero makapangyarihan na kilalanin ang LGBTQIA+ community bilang opisyal at mahalagang bahagi ng lipunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento