Matapang nanawagan si Congressman Kiko Barzaga kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang araw bago mag-Pasko, na harap-harapan nang akuin ang pananagutan sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng administrasyon lalo na ang isyu ng korapsyon at flood control anomalies na patuloy na bumabalot sa gobyerno.
“Ilang araw na lang bago mag-Pasko. Mr. President, baka nakalimutan mo, ang nasa taas ang unang mananagot" -Congressman Kiko Barzaga
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Barzaga na malinaw ang prinsipyo ng command responsibility, at kung talagang sinusunod ito, ang Pangulo mismo ang dapat unang makulong kapag may nangyayaring abuso o anomalya sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Tinawag ng kongresista ang pansin ng Pangulo at sinabing oras na para maging objective sa pagharap sa mga isyu, hindi batay sa pakiramdam, hindi batay sa pulitika, kundi batay sa batas at ebidensya.
Ani Barzaga, “Walang sinisino ang command responsibility. Kung ikaw ang nasa taas at sa ilalim mo nagaganap ang korapsyon, malinaw ang pananagutan mo.”
Ang pahayag ni Cong. Kiko Barzaga ay isa sa pinakamalakas na tirada laban sa Pangulo mula sa loob ng Kongreso. Diretsahang sinisi niya ang administrasyon at mariing iginiit ang konsepto ng command responsibility na kung saan ang lider ang unang dapat managot sa mga pagkakamali ng kanyang organisasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento