Matapang na binatikos ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos umanong gamitin ng Malacañang ang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral upang ililihis ang tunay na sentro ng kontrobersiya ang multi-bilyong flood control scam at ang umano’y mga maleta ng pera para kay Martin Romualdez at sa pangulo.
“Ginagamit nila ang pagpanaw ni Usec. Cabral para ilihis ang galit ng taumbayan. Huwag tayong magpapadala. Ang tunay na isyu ay ang flood control scam at ang maletang pera para sa mga nasa kapangyarihan. Hindi dapat ito malimutan.” - VP Sara
Ayon kay VP Sara, malinaw na “damage control” ang ginagawa ng administrasyon para mawala ang galit ng publiko at ilipat ang atensyon sa ibang direksyon.
Aniya, ang galit ng publiko ay hindi dapat nililihin ang tunay na issue gamit ang isang trahedyang hindi pa malinaw ang buong kwento. Ang matalas na pahayag ni VP Sara Duterte laban sa Malacañang ay nagpapakita ng lalong umiinit na hidwaan sa pagitan ng dalawang kampo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento