Advertisement

Responsive Advertisement

"LUMILITAW NA WALANG NILABAG SI DATING SPEAKER" ICI AMINADONG NAHIHIRAPAN IDIIN SI DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ DAHIL KULANG ANG MGA EBIDENSYA LABAN SA KANYA

Sabado, Disyembre 20, 2025

 



Aminado ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nahihirapan silang idiin si dating Speaker Martin Romualdez matapos lumabas sa kanilang imbestigasyon na wala silang nakikitang ebidensya na nagpatunay na nilabag niya ang batas o anumang proseso kaugnay ng flood control anomalies at budget issues.


“Kung may mali si Speaker, bakit wala kaming makita kahit isang ebidensya laban sa kanya? Paulit-ulit naming tiningnan ang records pero wala. Kung ganito pa rin, parang nagsasayang lang kami ng oras.” -Brian Keith Hosaka


Sa gitna ng matinding pampublikong hinala at political noise, malinaw umano sa ICI na walang direktang dokumento, pirma, memo, transmittal o utos na mag-uugnay kay Romualdez sa anomalya. Dahil dito, nagiging mabagal at mahirap ang pagbuo ng kaso laban sa dating Speaker.


Ayon sa ICI Spokesperson Brian Keith Hosaka, nakailang beses na nilang sinuri ang records, pero wala silang makitang dapat ikaso kay Romualdez. Sa ngayon, aminado ang komisyon na nahihirapan silang ituloy ang kaso dahil wala silang puwedeng panghawakan.


Sa kabila ng matinding kontrobersiya sa paligid ng flood control anomalies, malinaw na sa ngayon ay hindi maidiin ng ICI si Martin Romualdez dahil kulang ang ebidensya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento