Diretsahang sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pinakabagong trust rating.
Sa isang survey na lumabas kamakailan, bumagsak ang trust rating ng Pangulo sa –3%, habang nakakuha naman ng +31% ang Bise Presidente Sara Duterte, isang napakalaking agwat na hindi pinalampas ng publiko at mga kritiko.
“Madaming ibang survey. Huwag nating ibase sa isang trust rating. Wala ‘yang kinalaman sa totoong public trust. Babawi po tayo, babawiin natin ang tiwala ng taumbayan” -Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ngunit para kay Marcos, hindi ito dapat gawing basehan ng tunay na sentimyento ng sambayanan. Ayon sa Pangulo, paiba-iba ang survey, iba-iba ang sampling, iba-iba ang methodology, at hindi raw dapat isiping ito ang sukatan ng kanyang performance bilang presidente.
Isa pa sa mga iginiit ni Marcos ay hindi raw dapat iugnay ang naturang trust rating sa aktwal na tiwala ng publiko. Para sa kanya, mas importante ang aktwal na trabaho, proyekto, at epekto sa komunidad kaysa resulta ng survey na nagbabago raw buwan-buwan.
Sa kabila ng malaking agwat ng trust rating nila ni VP Sara Duterte, pinapakita ng Pangulo na hindi siya magpapadala sa numero. Para sa kanya, ang tunay na sukatan ng pamumuno ay hindi ang survey kundi ang aktwal na serbisyong nararamdaman ng tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento