Advertisement

Responsive Advertisement

“LAHAT NG IPINANGAKO NIYA SA TAUMBAYAN, TINUPAD NIYA NANG BUONG PUSO” ATTY. CLAIRE CASTRO PINURI SI PANGULONG MARCOS SA PAGTUPAD SA KANYANG PANGAKO

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Puno ng kumpiyansa ang naging pahayag ni Atty. Claire Castro hinggil sa performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon. Ayon sa kanya, hindi dapat balewalain ang mga ginawa at tinupad ng Pangulo para sa taumbayan lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan, panahon ng pagninilay at pasasalamat.


“Yung mga pinangako ng Pangulo, buong puso niyang tinupad. Sana ngayong Pasko maramdaman ng taumbayan na may gobyernong kumikilos at gumagawa para sa kanila.” -Atty. Claire Castro


Ipinunto ni Atty. Castro na marami sa mga ipinangako ng Pangulo noong kampanya at sa unang taon ng kanyang panunungkulan ay unti-unti nang nakikita sa aksyon. Hindi umano ito pa-pogi o pampabango, kundi malinaw na pagtupad sa tungkulin.


Kabilang dito ang paglilinis sa flood control anomaly at sa mga isyung paulit-ulit umanong iniiyakan ng taumbayan sa mga nakalipas na administrasyon.


Sa kanyang pahayag, hinimok ni Atty. Castro ang publiko na pansamantalang bitawan ang galit at negatibidad, at tingnan ang mga positibong pagbabago. Para sa kanya, nararapat lamang na maramdaman ng sambayanang Pilipino ang kapayapaan at pasasalamat, lalo na ngayong panahon ng Pasko.


Ang mensahe ni Atty. Claire Castro ay malinaw sa kabila ng mga batikos at kontrobersiya, naninindigan siyang tumiklop sa aksyon ang mga pangako ng Pangulo. At ngayong panahon ng kapaskuhan, umaasa siyang mas pipiliin ng publiko ang pagtanaw sa mga nagawa, hindi lamang sa mga kulang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento