Advertisement

Responsive Advertisement

“KUNG MAGIGING PRESIDENTE SIYA SA 2028, LILISAN AKO NG PILIPINAS” SONNY TRILLANES AMINADOG TAKOT SA POSIBLENG PANUNUMBALIK NG DUTERTE SA KAPANGYARIHAN

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Diretsahaan ang naging pahayag ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos niyang ihayag ang kaniyang pangamba sakaling manalo si Vice President Sara Duterte bilang presidente sa 2028.


“Kung manalo si Sara sa 2028, may posibilidad na sa ibang bansa na ako manirahan. Ibebenta ko lahat ng ari-arian ko dito. Alam ko kung anong kayang gawin sa akin ng mga Duterte kapag sila ang may kapangyarihan.” -Antonio “Sonny” Trillanes IV


Ayon kay Trillanes, hindi lamang politikal na usapin ang nakikita niyang banta, kundi personal na seguridad niya mismo. Hindi niya itinago ang takot na baka pagdating ng panahon, gamitin umano ni VP Sara ang kapangyarihan upang balikan at gantihan siya dahil sa mga alegasyon at expose na inilabas niya laban sa pamilya Duterte.


Ipinunto ng dating senador na hindi na bago ang “pattern of retaliation” ng nakaraang administrasyon laban sa mga kritiko. Mula sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima hanggang sa harassment cases sa ilan pang public figures, naniniwala si Trillanes na hindi imposibleng mangyari ito muli sakaling magkaroon muli ng Duterte sa pinakamataas na posisyon ng bansa.


Ang pahayag ni Sonny Trillanes ay nagbukas muli ng diskusyon tungkol sa takot, kapangyarihan, at demokrasya sa bansa. Sa kanyang malinaw na pangamba, ipinakikita niya kung gaano kalalim ang tunggalian sa politika at kung paano naapektuhan maging ang personal na buhay ng mga dating opisyal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento