Advertisement

Responsive Advertisement

"ALAM NILANG NAPAKAHALAGANG WITNESS SI USEC. CABRAL, PINABAYAAN NILA" ATTY. SALVADOR PANELO MAY PAGDUDUDA MAY KINALAMAN ANG ADMINISTRASYON

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Matindi ang naging banat ni Atty. Salvador “Sal” Panelo, dating Chief Presidential Legal Counsel, laban sa administrasyong Marcos matapos ang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, isa sa itinuturing na pinakamahalagang testigo sa flood control scandal.


“Alam ng administration na napakahalagang witness si Usec. Cabral na puwedeng magturo kung sino talaga ang mastermind sa anomalya. Pero pinabayaan nila. Sa tingin ko, may kinalaman ang administrasyon sa nangyari.” - Atty. Salvador “Sal” Panelo


Ayon kay Panelo, malinaw na may pagkukulang o sinasadyang kapabayaan ang kasalukuyang administrasyon sa pagbibigay proteksyon sa taong may kritikal na impormasyong maaaring magdulot ng malaking pag-uga sa buong gobyerno kung nailabas sana.


Mariing itinuro ni Panelo na alam ng Malacañang kung gaano kahalaga si Cabral sa imbestigasyon. Sa dami ng anomalyang lumulutang, siya raw ang may kakayahang iugnay ang mga dokumento, proyekto, at mismong mga ma

stermind sa likod ng bilyon-bilyong flood control projects.

Pero sa halip na protektahan, tila hinayaan umano ng administrasyon na maging bulnerable ang opisyal, isang pagkakamaling hindi dapat nangyari kung tunay na seryoso ang gobyerno sa paghahanap ng katotohanan.


Sa pagputok ng pahayag ni Atty. Salvador Panelo, mas lalong lumalim ang kontrobersiyang bumabalot sa flood control scandal. Ang kanyang akusasyon ng “sinadyang kapabayaan” ay patunay na hindi natatapos ang pagdududa ng publiko lalo na sa pagkawala ng isang testigong maaaring mag-ugnay sa mga utak ng anomalya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento