Advertisement

Responsive Advertisement

"DI MATATAHIMIK ANG TAUMBAYAN HANGGA’T NANDIYAN SIYA SA PWESTO" REP. LEILA DE LIMA GUSTONG PADALIIN ANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Matapang na nagsalita si Rep. Leila De Lima kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit niyang hindi kailanman magiging panatag ang taumbayan hangga’t patuloy na nabibinbin ang proseso.


“Habang dini-delay natin ito, mas lalo tayong hindi makakatulog ng mahimbing. Imagine having a Vice President who is a heartbeat away from the Presidency, isang opisyal na inakusahan ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Di matatahimik ang taumbayan hangga’t nariyan si VP Sara.” - Rep. Leila De Lima


Ayon kay De Lima, malinaw na marami sa publiko ang nababahala dahil ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa na isang hakbang na lang mula sa pagkapangulo ay kinasasangkutan ng seryosong alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, maling paggamit ng confidential funds, at iba pang isyung moral at etikal.


Binibigyang-diin ni De Lima na hindi basta-bastang usapin ang posisyon ng Bise Presidente. Aniya, kung sino ang nakaupo rito ay dapat may mataas na antas ng integridad, kredibilidad, at pananagutan. Ngunit sa kasalukuyang kaso, lumalabas aniya na mas pinipili ng administrasyon na mag-antay kaysa resolbahin ang mga paratang.


Mariing binatikos ni De Lima ang aniya’y pagkaantala ng impeachment proceedings. Habang tumatagal daw ang pagdinig, lalo umanong nasisira ang tiwala ng publiko sa justice system.


Ang panawagan ni De Lima ay malinaw na harapin, tapusin, at ayusin ang impeachment nang walang kinikilingan, dahil ang katahimikan at tiwala ng taumbayan ang nakataya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento