Muling umigting ang batikos laban sa administrasyon matapos si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay diretsahang kumastigo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa aniya’y kabiguan nitong panindigan ang pangako na ipakukulong ang mga politikong sangkot sa anomalya sa flood control projects.
“Lumipas na ang Pasko, wala pa hindi parin nakukulong pinsan niya. Sabi ng Pangulo walang Merry Christmas sa mga sangkot sa flood control scandal pero tingnan mo, nakapagbigay pa ng Christmas greetings ang pinsan niya. Kailan ba talaga magkakaroon ng hustisya ang taumbayan?” -Rowena Guanzon
Ayon kay Guanzon, ilang buwan nang nag-iingay ang gobyerno tungkol sa malalaking isyu ng korapsyon, ngunit hanggang ngayon, ni pinsan niya ay hindi pa pang napaparusahan. Samantala, milyun-milyong Pilipino ang patuloy na lumulubog sa baha, kahirapan, at mas malalang kondisyon sa kabuhayan.
Diretsong tinanong ni Guanzon kung palabas lang ba ang lahat ng imbestigasyon. Sa dami ng hearing, press briefings, at pangakong “may makukulong bago mag-Pasko,” aniya, wala namang nangyari.
Binanggit niya ang mismong pahayag ni Pangulong Marcos na “walang Christmas” para sa mga sangkot sa flood control scandal. Ngunit sa halip na pag-aresto, ang publiko ay nakakita pa ng mga Christmas greetings mula mismo sa kaniyang pinsan, na isa sa mga iniintrigang personalidad sa isyu.
Malinaw sa pahayag ni Rowena Guanzon ang malalim na frustration ng publiko: maraming imbestigasyon, pero walang aksyon. Habang patuloy ang pag-iingay tungkol sa flood control anomalies, ang kawalan ng kongkretong resulta ay lalong nagpapababa ng tiwala sa administrasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento