Advertisement

Responsive Advertisement

“WALANG KREDIBILIDAD ANG DPWH 'LEAK' LIST” MALACAÑANG DINEPENSAAN SI FIRST LADY LIZA MARCOS, PURONG CHISMIS PARA SIRAAN ANG MGA MARCOS

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Matapang na sinagot ng Malacañang ang ulat ng Bilyonaryo News Channel kaugnay ng diumano’y listahan ng mga Cabinet officials na sangkot sa budget insertions. Ayon sa Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang katotohanan at walang kredibilidad ang listahang kumakalat, at malinaw na ginagamit ito para siraan ang Marcos administration.


“There is no proof that these documents really come from DPWH. Unless they come from an official source, these so-called ‘Cabral files’ have zero probative value. Hindi kami magbibigay bigat sa listahang galing sa kung saan-saan lang.” -Usec. Claire Castro


Tinawag ng Palasyo na “chismis, fake news, at gawa-gawang dokumento” ang naturang listahan, lalo na’t idinawit pa ang pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa sinasabing P100-milyong infrastructure project sa Isabela sa 2025 National Budget.


Ayon sa Palasyo, walang kahit anong ebidensiya na magpapatunay na ang dokumentong inilabas ng news outlet ay tunay o nagmula sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Kung walang opisyal na source, wala raw itong halaga sa anumang imbestigasyon.


Mariing iginiit ni Usec. Castro na anumang listahan mula sa hindi matukoy na pinanggalingan ay hindi maaaring gamiting basehan sa paratang ng korapsyon. Kung talagang may tunay na “Cabral files” o dokumentong nag-uugnay sa mga opisyal, dapat itong manggaling mismo sa DPWH o sa mga awtorisadong ahensya.


Sa gitna ng lumalalang isyu ng flood control anomalies at mga bintang ng budget insertions, tumitindig ang Malacañang laban sa mga dokumentong hindi dumaan sa opisyal na proseso. Para sa Palasyo, malinaw na ginagamit ang fake news upang magtanim ng galit at pagdududa sa kasalukuyang administrasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento