Naglabas ng matapang na pahayag si Congressman Kiko Barzaga matapos niyang igiit na “mabubuhay ang gobyerno kahit hindi magbabayad ng buwis ang taumbayan.” Ayon sa mambabatas, hindi kailanman naubusan ng pera ang gobyerno ang nawawalan lang, ani Barzaga, ay ang mga tiwaling opisyal na nawawalan ng mapagkakamalan.
“Ayaw nilang pababain o alisin ang buwis kasi takot silang mawalan ng income. Mahihirapan na ang mga buwaya sa gobyerno na magnakaw. Mabubuhay ang bansa kahit bawasan nila ang tax, ang hindi mabubuhay ay ang kanilang kurapsyon.” - Congressman Kiko Barzaga
Binanatan niya ang aniya’y takot ng ilang nasa kapangyarihan na bawasan o tanggalin ang buwis sa ilang sektor, dahil ito raw ang pinagkukunan ng “income ng mga buwaya sa gobyerno.”
Ayon sa kanya, sa dami ng foreign loans at utang na available sa gobyerno, hindi totoo na magkukulang ang bansa kung sakaling bawasan ang ilang uri ng buwis. Ang tunay na problema, sabi niya, ay ang sistema ng pagnanakaw na nakaangkla sa tax collection.
Karaniwan na raw ginagamit ng administrasyon ang argumento na “kailangan natin ng buwis para mabuhay ang gobyerno.” Ngunit ayon kay Barzaga, ito raw ay lumang script na ginagamit para takutin ang publiko at itago ang katiwalian.
Ang pahayag ni Cong. Kiko Barzaga ay nagbibigay-lakas sa sentimyento ng taumbayan: hindi problema ang pera ang tunay na problema ay ang katiwalian. Kung walang nananakaw, kung tapat ang pamahalaan, at kung malinaw ang tracking ng pondo, hindi na lalaki ang pasanin ng mamamayan sa buwis

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento