Matapang na kinuwestiyon ni Senator Rodante Marcoleta ang Marcos administration dahil sa umano’y pag-iwas nitong ipatawag kahit isa sa 17 congressmen na binanggit ng mga Discaya sa kanilang testimonya kaugnay ng malawakang korapsyon sa DPWH at flood control projects.
“Hindi puwedeng maliliit lang ang kinakasuhan. Kung talaga tayong laban sa korapsyon, dapat pati malalaking isda ay pananagutin. 17 congressmen ang pinangalanan ng mga Discaya ni isa hindi ninyo maipatawag. Nakapagdududa ’yan.” -Senator Rodante Marcoleta
Ayon kay Marcoleta, malinaw na selective justice ang nangyayari dahil puro maliliit na tao lang ang hinuhuli habang ang “big fish” ay tila hindi man lang nasasaling.
Para kay Marcoleta, walang saysay ang imbestigasyon kung ang pangunahing personalidad na binanggit mismo ng mga testigo ay hindi man lang haharap sa pagdinig.
Ayon sa senador, malaking tanong kung bakit tila kaya lamang ipahuli at i-demanda ang maliliit na players, pero tila nagdadalawang-isip ang administrasyon na imbitahin ang mga mataas na opisyal na pinangalanan sa pagbubulgar ng Discaya couple.
Maliwanag ang paninindigan ni Senator Marcoleta hindi magiging makabuluhan ang laban kontra korapsyon kung ang mga pangunahing personalidad na inaakusahang sangkot ay mananatiling untouchable. Hangga’t hindi ipinapatawag at tinatanong ang 17 kongresista, mananatiling kwestiyonable at butas-butas ang imbestigasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento