Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG PASKO RAY PANAHON NG SAYA, HINDI NG PAGSUGOD SA OSPITAL" PANGULONG MARCOS NAGPAALALA SAKTO LANG SA PAGKAIN NGAYONG PASKO

Huwebes, Disyembre 25, 2025

 



Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ngayong Kapaskuhan na huwag masyadong magpakalunod sa pagkain, lalo na’t mataas ang bilang ng kaso ng heart attack tuwing holiday season. Sa kanyang vlog, diretsong sinabi ng Pangulo na mahal ang magkasakit ngayon kaya dapat mag-ingat at magtimpla ng kinakain sa dami ng handaan at salu-salo.


“Mag-enjoy po kayo ngayong Pasko pero hinay-hinay sa pagkain. Mahal po ang ospital at gamot ngayon. Sa pagkain, ‘yung sakto lang dahil tumataas ang kaso ng heart attack tuwing holiday season.” - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ayon sa DOH, tumataas ang bilang ng mga na-oospital dahil sa atake sa puso tuwing Disyembre karaniwang dulot ng sobrang pagkain ng matatabang putahe, pag-inom, puyat, at stress.


Dagdag pa niya, natural na marami ang handaan, pero dapat nasa tamang limitasyon ang pagkain, lalo na para sa may high blood, diabetes, at iba pang karamdaman.


Hindi naman sinabi ng Pangulo na umiwas sa handaan, kundi maghinay-hinay at maging responsable. Ang Pasko raw ay panahon ng saya, hindi ng pagsugod sa ospital.


Sa gitna ng kasiyahan ng Kapaskuhan, malinaw ang paalala ni Pangulong Marcos na ingatan ang kalusugan at iwasan ang sobrang pagkain. Hindi ipinagbabawal ang pagdiriwang, pero dapat alalahanin ang kalagayan ng katawan at ang bigat ng gastos sa ospital kapag napabayaan. Ang tunay na selebrasyon ay mas masaya kapag malusog, ligtas, at kasama ang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento