Advertisement

Responsive Advertisement

"NAPAKASINGUNGALING MO, HUWAG IDAMAY ANG PANGALAN KO SA KALOKOHAN MO" REP. TERRY RIDON NAPIKON SA MGA AKUSASYON NI CONG. LEANDRO LEVISTE

Huwebes, Disyembre 25, 2025

 



Matapang na sinagot ni Rep. Terry Ridon ang mga paratang ni Cong. Leandro Leviste na umano’y may insertion siya sa 2025 National Budget. Hindi nagpatumpik-tumpik ang kongresista at diretsong pinawalang-saysay ang isyu, sabay sabing malinaw na kasinungalingan ang ikinakalat ni Leviste.


“Super sinungaling yang si Cong. Leviste. Fake news lahat ng sinasabi niya. Paano ako magkakaroon ng insertion sa 2025 budget kung hindi pa naman ako kongresista noon? Sana mag-focus siya sa tunay na ebidensya at huwag idamay ang pangalan ko sa kalokohan nila.” -Rep. Terry Ridon


Ayon kay Ridon, hindi lamang mali ang impormasyon, imposible rin. Aniya, hindi pa siya kongresista noong panahong sinasabi ni Leviste kaya walang katuturan ang paratang. Dagdag pa niya, ginagamit lang daw ang pangalan niya bilang diversion upang mailihis ang usapin sa tunay na mga sangkot sa napakalaking budget insertions.


Tahasan at diretsong pinasinungalingan ni Rep. Terry Ridon ang mga paratang ni Cong. Leviste. Ayon kay Ridon, malinaw na desperasyon ang ginagawa ni Leviste dahil hinahabol siya ngayon ng kontrobersya sa DPWH insertions.


Sa dami ng lumalabas na iskandalo sa budget insertions, ghost projects, at flood control anomalies, hindi na nakapagtataka na may mga pulitikong nagtuturo at nag-aakusa nang walang sapat na basehan. Pero malinaw na malinaw para kay Rep. Terry Ridon, hindi siya bahagi ng anomalya, at isang malaking kasinungalingan ang binabato sa kanya ni Cong. Leviste.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento